Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days | OG

2022-06-30 8

Isang retirement house na gawa sa apat na container vans ay naitayo sa loob lamang ng anim na araw.

Ito ang La Casita de Rabajante na itinayo sa 250-square-meter lot sa provincial-type na lugar sa Laguna.

Ang main house nito ay umokupa sa 72 square meters, at napapaligiran ng maliit na hardin, mini garage, at kubo na nagsisilbing kusina at kainan kaya “feel na feel ang pagiging tagabukid.”

Sabi pa ng owner na si Jomar Rabajante, 37, isang professor, ang ipinatayo niyang prefab (prefabricated) house ay typhoon-proof, fire-proof, at earthquake-proof.

Dahil ang materyales ay mula sa container vans, malaking bahagi nito ay yari sa bakal.

Prefab house ang tawag sa advanced na pagpapatayo ng bahay at ia-assemble na lang ito sa location.

Para sa kaugnay na artikulo, i-click ang link na ito: https://www.pep.ph/lifestyle/home/166230/calamity-proof-tiny-house-a717-20220610

If you enjoyed this video from the OG Channel, please don't forget to like and subscribe: https://tinyurl.com/OGChannelSubscribe .

#OGChannel